IBANG KAPILING IBANG KASIPING (Attorney At Law Part 9)
Sa pagitan ng pagharap-harap ni Ted sa kaso ng kanyang kliyente ay nalululong naman siya sa alindog ni Trisha,
Katatapos lang nang unang pagdinig sa kaso ni Nasser. Inilahad ng taga-usig ang kanilang mga ebidensya na nag-aakusa at nag-uugnay kay Nasser sa naturang krimen. Ang semen na nakuha sa biktima na tumutugma sa DNA sample na kinuha kay Nasser, ay matibay na ebidensya laban sa kliyente ko.
Ang pahayag ng dalawang testigo na nagtuturo na nakita siya na nakasunod sa biktima ng gabing mangyari ang krimen, ay lalong nagpapatunay na naroon si Nasser sa bisinidad ng pinangyarihan ng krimen, bago mangyari ang krimen. At ang pahayag ng pangatlong testigo na direktang nag-uugnay kay Nasser sa krimen, sa pagsasabing nakita nya ito na mabilis na tumalilis mula sa ilalim ng tulay, kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima, ay huling pako na nagsasara sa depensa ng nasasakdal.
Halos ay punong-puno ang loob ng korte sa unang pagdinig na iyon. Nandoon din ang seaman na asawa ng biktima. Umuwi ito, para sa libing ng asawa. At naroon ito, para maghanap ng hustisya.
Sa ubod ng pakiramdam ko, hindi ako ...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





